Saturday, November 19, 2011

Tagatawag ng pasahero...

Sa hirap ng buhay ngayon, madalas at madami sa ating mga Pinoy gumagawa ng pansari-sariling side lines para mayroon silang pangkain sa kanilang kumukulong tiyan at sa pangaraw araw na panga ngailangan, hindi lahat ng side lines ng Pinoy eh nakakatuwa na, subalit ito ay nakakainis na, halimbawa na lang ng ating mga panbansang "barker/dispatcher" ng jeep.

Sila yung mga taong magtatawag ng pasahero at tinutulungan nila yung jeepney driver sa kakaunting salaping kapalit.

Pero sa katotohanan lahat ng sasabihin ko ay pawang pang katotohanan lamang at base sa aking mga na experience, lahat ito ay nakita ko at gusto ko lamang mabasa niyo.

BAD EFFECTS NG PAGIGING BARKER/DISPATCHER/WHATEVERYOUCALLIT...

1.) Makulit ang mga ito, pipilitin kang sumakay sa jeep na kanilang tinira, sabay may lakas pa silang magalit pag hindi ka sumakay pag inaalok ka, kahit na alam mo sa sarili mong hindi iyon ang sasakyan mo.


2.) Reading-ready sila sa mga aksyon, pag hindi sila nabigyan ng barya handa silang manapak o manakit.


3.) Pati mga bata naeenganyo maging katulad ng mga ito.


4.) Makakapal ang mukha ng mga ito, pinipilit nila ang sarili nila sa jeepney driver kahit na hindi naman sila pinagtatawag.


5.) Mahilig sila sa motto na ganito "paalis na yan sakay na" (pero sa katotohanan hindi naman).


6.) Kinakaibigan nila ang traffic enforcers para hindi mahuli yung driver na nakakaperwisyo lang sila sa traffic kahit kailan dahilan sa pagtigil ng jeep magdamag.


Hindi lang naman ito lahat ng masasabi ko, pero sa katotohanan wala namang maidudulot na maganda itong barker, hindi nila natutulungang umusad ang daloy ng trapiko, kundi sila pa lalo ang gumugulo at sumisira.
Dapat talaga inaalis na sila sa mga hot spots na kanilang tinitirikan, katulad na lamang sa SM, kapal nilang maghintay ng pasahero doon kahit na nakalagay sa sign board na doon talaga ang sakayan ng mga pasahero pero ipagsisiksikan nila ang sarili nila para magkapera.





Feel na feel nilang ginagawa nila tayong sardinas sa isang jeep na hindi naman talaga dapat Sampuan ang bawat gilid ng sasakyan (depende na lamang sa laki nito). Sana hinuhuli na sila dahil walang magandang naidudulot ang mga ito sa bansa natin.

2 comments:

  1. sa maynila lang yata ganyan ang mga dispstcher.
    d2 sa baguio hnd cla ganyan.....

    ReplyDelete
  2. hayaan mo na po, mahirap kasi ang buhay, kaysa naman magnakaw sila, atleast nakakatulong din naman sila sa mga driver, magkano lang naman ang bigay sa kanila, limang piso yata...

    ReplyDelete