Naabutan nyo pa ba yung mga maka lumang horror movies? Yung tipong talagang iiyak tayo pag ipinaalala ito saatin ng ating kapatid /kamag-anak/ kaibigan/ etc. At sasabihing may mumu jaan kung saan saan, at makaka relate tayo dahil napanood natin yung mga Old School Filipino Horror Movies... Syempre isa na dito yung Shake Rattle & Roll series, noon ang all time favorite ko eh yung Shake Rattle & Roll 6 (1997) na may tatlong episodes na:
1."TELEVISION" - iniwan si Camille Pratz sa bahay at may klown na mukhang tanga at gusto siyang papasukin sa loob ng tv, ewan manyak ata yung klown trip na trip si Camille.
2. "TULAY" - may role dito si Aiza Seguerra na nakakita siya ng batang nakaputi sabay tumalon sa tulay later on nalaman niyang marami ng nagpakamatay na mga bata sa tulay. Syempre memorable talaga yung favorite ni Tom Taus dito na... "MAMAMATAY KA!!"
3. "BUWAN" - si Tonton Gutierrez ay isang estudyante, isang gabi may mga kababalaghang nangyayari sa iskul. Later nainlab siya sa isang babae(Georgia Ortega) na later din yun eh nalaman niyang tuwing kabilugan ng buwan eh nagiging halimaw yung syota niya...
Actually 14 installment na ito, pero sa hindi ko maipaliwanag eh nung lumabas ang SRnR 8 nawala na ang ispirto ng katatakutan at biglang nabalutan na ng kalokohan,katangahan,kakornihan... at hindi na nakakatakot...
Since sinabi ni Jessica Soho(kapuso mo jessica soho 7) na ito na daw ang pinaka successfull na horror movies dito sa Philippines, dito na siya nagkakamali...
No comments:
Post a Comment