Na paulit ulit na lamang ang nangyayari? Well sisimulan ko na ang pagra-rant ko...
Hindi nyo ba alam na April 10 ang birthday ni Ash Ketchum(Satoshi)? Pero napanood o nalaman nyo bang nag birthday na si Ash sa buong series? Well of course not... hindi na na tumanda si Ash sa anime na ito. Napansin ko na ring bad influence ito sa mga tao specially sa mga kabataan, kung magbibigay ako nghalimbawa,
Halimbawa: Kaaaway ng tatay mo ang isa sa inyong mga kapitbahay, pero bigla kang tatawagin papalabas sa bahay nyo at ikaw at ang anak ng kaaway ng tatay mo ang ipagsusuntukan nila...
Kung ihahalintulad lang ito sa pokemon, walang awang ipaglalaban ang mga ito na wala man lang silang muwang kung bakit sila maglalaban at bakit hindi na lang iyong dalawang tao ang magaway diba? Make sense...
Sa isang episode, paulit ulit na lamang ang nangyayari, magaadventure sila Ash at co. At susulpot ang Team Rocket dahil may gusto silang nakawin na bagong Pokemon/ o kaya naman eh si Pikachu...
Pero sa bandang huli matatalo ang mga ito at mag eepic fail naman ang pagtangkang nakawin ang pokemon. Biglang tatalsik sila at "Team Rocket Blasting Off Again!!" every episode nalang di nyo napansin no?
Habang in production parin ang GAMEFREAK sa paggawa ng mga panibagong Pokemon, ay hindi rin matatapos ang adventure ni Ash at Pikachu na matagal na niyang pinangarap na maging Pokemon Master, na ang akala natin eh naging Master na siya sa GOLD/SILVER/CRYSTAL (game) version...
Only time will tell kung bakit yung ibang pokemon ay puro imbento na lamang at wala ng pinagbasihang mga nilalang sa mundo.
No comments:
Post a Comment