Sa hindi matapos tapos na issue sa pag co-cosplay maraming mga alam nyo na maraming mayayabang sa larangan ng cosplay, ang costume play or cosplay ay para lamang sa mga indibidual na nilalang na hindi matanggap ang kanilang mga sarili kaya sumasali sila sa mga ganitong okasyon para lamang makakilala ng katulad nila at maiintidihan sila... silang mga wirdo.
Marami sa mga taong nagcocosplay ay kapos sa budget, pero hindi ito hadlang sa kanilang pag co-cosplay, dahil nandiyan ang paraang "PANGHIHIRAM"... sa aking mga nakapanayam. Maraming cosplayer na hindi naman sa kanila yung mga damit o mga accesories waring nahiram lamang eh pinagmamalaki o kanilang pinagyayabang na sa kanila ito, kahit na sa katotohanan eh ayaw lang nilang masaktan ang damdamin pag nalaman ng taong nagiinterbyu na isa lang pala itong kasinungalingan.
Hindi masamang manghiram, pero kung manghihiram man, panatilihing mababa ang PRIDE at huwag ipagmalaki ang hindi sa iyo. Usong uso rin ang pagpapagawa, yung tipong mga robot, ayun ang uso sa mga mata ng mga bata o mga otaku kung tawagin.
Sa aking mga naexperience o nakitang mga pictures sa Facebook, ugaliing tignan muna ang sarili bago tadtarin ang mukha mo sa camera... gawin mong max effort lahat para naman mapabilib mo ang mga makakasalubong mong mortal. Wag masyadong pa gwapo o paganda, di porket may katropa kang sobrang astig manamit/cosplay eh lagi ka na lang didikit sa kanya para lamang masinagan ka ng mga nagpuputukang camera at isipin mong isa ka na rin sa mga astiging cosplayer...
Panatilihing mababa ang iyong impormasyon o profile, hindi yung ipaglalantaran mong sobrang galing mo pero madali ka namang i-rate ng 1 to 10%. Laging tatandaan na wag kayong gagawa ng Fan Page para lamang masabing nagcocosplay ka, maraming paraan para malaman nila...
At sa huli lagi nyong tatandaan na WAG LANG ANIME ang iniisip nyo sa buhay dahil magmumukha kayong tanga at sa bandang huli... baka pagsisihan mo pa ito.
TO BE CONTINUED~
No comments:
Post a Comment