Pag lumuluwas ka, o pumupunta sa palengke o kung saan saan ka man dalhin ng iyong paa...
May mga pamilyar ka laging nakikita, sa kaliwa o sa kanan pare pareho lang nakakaumay at nakakainis na...
Lalong lalo na sa palengke... unang una mong makikita eh si Ben (Ben 10).
Last year, unang kumatok ang programang Ben 10 sa TV5, at simula noon lahat ng laruan eh puro BEN 10 na lamang sa palengke/malls, pero hindi dito nagtatapos lahat iyan... ilan sa mga laruan e puro nirecycle lang, katulad na lamang ng TRAIN TOY na nakita ko sa palengke noong christmas, well you guessed it right kinulayan ng kulay green yung train toy at nilagyan ng sandamukal na sticker ng BEN 10, na mabilis na magkakandarapa ang mga bata sa pagbili nito... nice thinking CHINA... always..
Hindi lang naman yung train toy eh, mga fake na Omnitricks, recycled toys na hindi nabenta at kung ano ano pa masabi lang na ang produkto nila eh BEN10...
Isa sa mga sikat na Japanese icon ay si Domo Kun, nag umpisa ito sa Comic Alley (dito sa PH) bilang isang bag, at later nag import na sila (galing divisoria sabay tata-takan ng comic alley trade mark tas ibebenta ng triple presyo) sa ibang bansa?
At kung ano ano ng available items na ang pinagbebenta sa loob ng isang Comic Alley branch. May wallet, ibat ibang uri ng bag, bonnet, pins, ID lace, atbp..
One day, nakabili ako sa Singapore ng ibang itsura ng Domo (23$) bag para naman maging unique ako sa mga taong aki'y nakakasalamuha sa daan, para naman hindi yung pare-parehong bag na nabibili lamang sa Comic Alley. Ngunit isang bagyo ang bumulaga sa mga mata ng mga tao at sa palengke nag ulanan ang ibat ibang uri ng domo bags/stuff toys. Na sa bawat lingon mo lamang sa panahong ito eh lahat na ng tao, mapa lalaki o babae, retarded man o hinde naka Domo bag o any kind of accessories. (KAKATURN OFF PROMISE!)
TO BE CONTINUED~
No comments:
Post a Comment