Saturday, November 19, 2011

Tagatawag ng pasahero...

Sa hirap ng buhay ngayon, madalas at madami sa ating mga Pinoy gumagawa ng pansari-sariling side lines para mayroon silang pangkain sa kanilang kumukulong tiyan at sa pangaraw araw na panga ngailangan, hindi lahat ng side lines ng Pinoy eh nakakatuwa na, subalit ito ay nakakainis na, halimbawa na lang ng ating mga panbansang "barker/dispatcher" ng jeep.

Sila yung mga taong magtatawag ng pasahero at tinutulungan nila yung jeepney driver sa kakaunting salaping kapalit.

Pero sa katotohanan lahat ng sasabihin ko ay pawang pang katotohanan lamang at base sa aking mga na experience, lahat ito ay nakita ko at gusto ko lamang mabasa niyo.

BAD EFFECTS NG PAGIGING BARKER/DISPATCHER/WHATEVERYOUCALLIT...

1.) Makulit ang mga ito, pipilitin kang sumakay sa jeep na kanilang tinira, sabay may lakas pa silang magalit pag hindi ka sumakay pag inaalok ka, kahit na alam mo sa sarili mong hindi iyon ang sasakyan mo.


2.) Reading-ready sila sa mga aksyon, pag hindi sila nabigyan ng barya handa silang manapak o manakit.


3.) Pati mga bata naeenganyo maging katulad ng mga ito.


4.) Makakapal ang mukha ng mga ito, pinipilit nila ang sarili nila sa jeepney driver kahit na hindi naman sila pinagtatawag.


5.) Mahilig sila sa motto na ganito "paalis na yan sakay na" (pero sa katotohanan hindi naman).


6.) Kinakaibigan nila ang traffic enforcers para hindi mahuli yung driver na nakakaperwisyo lang sila sa traffic kahit kailan dahilan sa pagtigil ng jeep magdamag.


Hindi lang naman ito lahat ng masasabi ko, pero sa katotohanan wala namang maidudulot na maganda itong barker, hindi nila natutulungang umusad ang daloy ng trapiko, kundi sila pa lalo ang gumugulo at sumisira.
Dapat talaga inaalis na sila sa mga hot spots na kanilang tinitirikan, katulad na lamang sa SM, kapal nilang maghintay ng pasahero doon kahit na nakalagay sa sign board na doon talaga ang sakayan ng mga pasahero pero ipagsisiksikan nila ang sarili nila para magkapera.





Feel na feel nilang ginagawa nila tayong sardinas sa isang jeep na hindi naman talaga dapat Sampuan ang bawat gilid ng sasakyan (depende na lamang sa laki nito). Sana hinuhuli na sila dahil walang magandang naidudulot ang mga ito sa bansa natin.

Wednesday, November 16, 2011

Character Invasion (2010- 2011) pt.1

Pag lumuluwas ka, o pumupunta sa palengke o kung saan saan ka man dalhin ng iyong paa...
May mga  pamilyar ka laging nakikita, sa kaliwa o sa kanan pare pareho lang nakakaumay at nakakainis na...
Lalong lalo na sa palengke... unang una mong makikita eh si Ben (Ben 10).


Last year, unang kumatok ang programang Ben 10 sa TV5, at simula noon lahat ng laruan eh puro BEN 10 na lamang sa palengke/malls, pero hindi dito nagtatapos lahat iyan... ilan sa mga laruan e puro nirecycle lang, katulad na lamang ng TRAIN TOY na nakita ko sa palengke noong christmas, well you guessed it right kinulayan ng kulay green yung train toy at nilagyan ng sandamukal na sticker ng BEN 10, na mabilis na magkakandarapa ang mga bata sa pagbili nito... nice thinking CHINA... always..

Hindi lang naman yung train toy eh, mga fake na Omnitricks, recycled toys na hindi nabenta at kung ano ano pa masabi lang na ang produkto nila eh BEN10...


Isa sa mga sikat na Japanese icon ay si Domo Kun, nag umpisa ito sa Comic Alley (dito sa PH) bilang isang bag, at later nag import na sila (galing divisoria sabay tata-takan ng comic alley trade mark tas ibebenta ng triple presyo) sa ibang bansa?

At kung ano ano ng available items na ang pinagbebenta sa loob ng isang Comic Alley branch. May wallet, ibat ibang uri ng bag, bonnet, pins, ID lace, atbp..


One day, nakabili ako sa Singapore ng ibang itsura ng Domo (23$) bag para naman maging unique ako sa mga taong aki'y nakakasalamuha sa daan, para naman hindi yung pare-parehong bag na nabibili lamang sa Comic Alley. Ngunit isang bagyo ang bumulaga sa mga mata ng mga tao at sa palengke nag ulanan ang ibat ibang uri ng domo bags/stuff toys. Na sa bawat lingon mo lamang sa panahong ito eh lahat na ng tao, mapa lalaki o babae, retarded man o hinde naka Domo bag o any kind of accessories. (KAKATURN OFF PROMISE!)


TO BE CONTINUED~

Tuesday, November 15, 2011

Usapang lalaki (mostly)

Para ito sa mga kaibigan kong lalaki at mga kaibigan nyo na mahilig at hindi mapigilang mag yosi at inuubos ang kanilang mga barya sa mga stick ng sigarilyo.

Hindi nyo ba alam na dapat bumibili na lang kayo ng isang kaha ng sigarilyo para naman makatipid kayo hindi yung tinitingi nyo yung mga tindero/tindera, at mas makakamura kayo kung gagawin nyo ang payo ko.

Well anyway... isa sa disadvantage ng paninigarilyo eh yung nakakabagal ng pag daloy ng dugo sa ating katawan, specially for men, kung gusto mong maging masigla si manoy at parating on the go, tigilan ang pag yoyosi dahil mahihirapan siyang mag say PRESENT! hahaha!



Tigilan na rin ang paninigarilyo dahil nakaka panot ito at kung ano ano pa ang mangyayari sa inyong katawan, syempre hindi kami sangayon dito (kaming mga 2nd hand smokers).


Hinding hindi kami makakapayag na manlalambot at makakalbo kami dahil sa mga katropa nating naninigarilyo... Sana naman konti respeto lamang. Kung huli ka na sa balita at panot ka na, wag nang magtaka at tigilan na ang iyong nakasanayan.

Gaya na lamang ng isa kong kakilala, ang hilig niyang mag paimpress sa mga chicks pag nakakasalubong o may isang pagsasalo salo, bunot ng yosi at mag dede-quatro pa sa upuan, sabay dakot ng PULUTAN...

pa Fan Sign po!!

Ano nga ba ang fansign,fansigns,signfans... what ever you call it. Dito sa Pinas, ang fansign ay sikat na sikat sa mga taong walang magawa sa buhay, yung tipong nag fi-feeling lang na sikat sila... Yung tipong akala naman nila eh astig na sila sa pag gawa ng mga kalokohang ito. 
So ano nga naman ba ito? Simple lang, wala... pinapalaki nyo lang ulo ng tao, at mukhang jejemon pa kayo... Katulad na lang ng example ko dito... sa tingin nyo ba astig na siya sa lagay na iyan? Makakatulong ba yan sa Pinas? o magmumuka lang talaga siyang isang miyembro ng samahang jejemon?

Sa panahon ngayon, ang fansign dine sa pinas eh mga abnormal lang ang gumagawa, yung alam mo nang di naman siya sikat pero naka lagay sa status niya na "I'M OPEN FOR FANSIGN" / "IM FREE TO FANSIGN"  bleh. Sana makaltukan sila at maunawaan nilang nagmumukha lang silang tanga dito.

Kung sikat sana sila eh naging masaya na tayo dahil napaka generous nilang mag bigay ng fansign sa mga di kilalang tao, lalo na ang mga friends sa Facebook na hindi mo naman talaga lahat kakilala... At may lakas pa silang magrequest ng fansign... for what?

NOTHING.....!!

Saturday, November 12, 2011

Cosplay... Good Or Bad? Pt.2

Sa hindi matapos tapos na issue sa pag co-cosplay maraming mga alam nyo na maraming mayayabang sa larangan ng cosplay, ang costume play or cosplay ay para lamang sa mga indibidual na nilalang na hindi matanggap ang kanilang mga sarili kaya sumasali sila sa mga ganitong okasyon para lamang makakilala ng katulad nila at maiintidihan sila... silang mga wirdo.

Marami sa mga taong nagcocosplay ay kapos sa budget, pero hindi ito hadlang sa kanilang pag co-cosplay, dahil nandiyan ang paraang "PANGHIHIRAM"... sa aking mga nakapanayam. Maraming cosplayer na hindi naman sa kanila yung mga damit o mga accesories waring nahiram lamang eh pinagmamalaki o kanilang pinagyayabang na sa kanila ito, kahit na sa katotohanan eh ayaw lang nilang masaktan ang damdamin pag nalaman ng taong nagiinterbyu na isa lang pala itong kasinungalingan.

Hindi masamang manghiram, pero kung manghihiram man, panatilihing mababa ang PRIDE at huwag ipagmalaki ang hindi sa iyo. Usong uso rin ang pagpapagawa, yung tipong mga robot, ayun ang uso sa mga mata ng mga bata o mga otaku kung tawagin.

Sa aking mga naexperience o nakitang mga pictures sa Facebook, ugaliing tignan muna ang sarili bago tadtarin ang mukha mo sa camera... gawin mong max effort lahat para naman mapabilib mo ang mga makakasalubong mong mortal. Wag masyadong pa gwapo o paganda, di porket may katropa kang sobrang astig manamit/cosplay eh lagi ka na lang didikit sa kanya para lamang masinagan ka ng mga nagpuputukang camera at isipin mong isa ka na rin sa mga astiging cosplayer...

Panatilihing mababa ang iyong impormasyon o profile, hindi yung ipaglalantaran mong sobrang galing mo pero madali ka namang i-rate ng 1 to 10%. Laging tatandaan na wag kayong gagawa ng Fan Page para lamang masabing nagcocosplay ka, maraming paraan para malaman nila...



At sa huli lagi nyong tatandaan na WAG LANG ANIME ang iniisip nyo sa buhay dahil magmumukha kayong tanga at sa bandang huli... baka pagsisihan mo pa ito.


TO BE CONTINUED~

Bakit ang ki-kitid ng utak ng mga Pilipino?


Bakit nga ba ang hilig magpaloko ng mga Pinoy, ewan ko nga ba kung bakit... Number 1 pa sa mga panloloko eh yung ililipad daw sila sa ibang bansa o mapapabilis ang pasaporte... Bakit sa sobrang katangahan ng mga nabibiktima eh hindi nila naiisip na hindi na lang sila pumunta mismo sa talagang katiwa-tiwalang agency...

Tapos bigla silang mag susumbong sa ex: Imbestigador/XXX/Bitag..etc... eh sa umpisa palang eh sila na ang may problema... diba ang sabi eh hindi lahat makukuha ng panandalian lamang...

Shake Rattle & Roll

Naabutan nyo pa ba yung mga maka lumang horror movies? Yung tipong talagang iiyak tayo pag ipinaalala ito saatin ng ating kapatid /kamag-anak/ kaibigan/ etc. At sasabihing may mumu jaan kung saan saan, at makaka relate tayo dahil napanood natin yung mga Old School Filipino Horror Movies... Syempre isa na dito yung Shake Rattle & Roll series, noon ang all time favorite ko eh yung Shake Rattle & Roll 6 (1997) na may tatlong episodes na:

1."TELEVISION" - iniwan si Camille Pratz sa bahay at may klown na mukhang tanga at gusto siyang papasukin sa loob ng tv, ewan manyak ata yung klown trip na trip si Camille.


2. "TULAY" - may role dito si Aiza Seguerra na nakakita siya ng batang nakaputi sabay tumalon sa tulay later on nalaman niyang marami ng nagpakamatay na mga bata sa tulay. Syempre memorable talaga yung favorite ni Tom Taus dito na... "MAMAMATAY KA!!"

3. "BUWAN" - si Tonton Gutierrez ay isang estudyante, isang gabi may mga kababalaghang nangyayari sa iskul. Later nainlab siya sa isang babae(Georgia Ortega) na later din yun eh nalaman niyang tuwing kabilugan ng buwan eh nagiging halimaw yung syota niya...





Actually 14 installment na ito, pero sa hindi ko maipaliwanag eh nung lumabas ang SRnR 8 nawala na ang ispirto ng katatakutan at biglang nabalutan na ng kalokohan,katangahan,kakornihan... at hindi na nakakatakot...


Since sinabi ni Jessica Soho(kapuso mo jessica soho 7) na ito na daw ang pinaka successfull na horror movies dito sa Philippines, dito na siya nagkakamali...

Cosplay... Good Or Bad? Pt.1


Hmmm.... mahirap aminin kung isa ka talagang Otaku or feeling mo lang Otaku ka dahil aminin ko man sa inyo eh feel na feel ng mga pinoy pag tinatawag silang Japanese names etc... para kasing codename ito sa mga retarded at akala naman nila eh astig na sila dito...

Gaya na lang ng pagpapapalit ng pangalan mo sa Facebook... odd pero tayong mga Pinoy eh mahilig manggaya... Ang hilig natin paltan ng anime names ang mga profile names natin o kaya naman eh korean, yes even KOREAN names... diba isa tayong mga Pinoy sa mga nakakahiya at kinahihiya ang ating mga pangalan sa mundo.

Ano ba talaga ang cosplay? Ang cosplay lang naman eh yung mag dadamit ka ng favorite o ang iyong ninanais na karakter sa isang palabas. Hindi naman ito masama pero meron ding mga bad side effects ito. Marami dito sa pinas na mahilig mag brag tungkol sa kanilang pag cocosplay... Feel nila magaling na sila o kaya naman eh gagawa sila ng sarili nilang fan page at biglang may bubulaga sa chat box mo na... "Palike naman po itong page ko salamat!"

Siyempre magdadalawang isip ka, dahil 1st of all... mapapaisip ka... "CLOSE BA KAMI NITO?!"
or yung mga first time cosplayer naman eh feel nila eh astig na sila (agad)... yung tipong sobrang layo nila sa karakter na kanilang ginagaya eh feel na feel naman nilang hawig sila... LOL

Marami ring mga kaibigang cosplayer ang mga balimbeng at backstabber, na sila sila rin ang mga naglalaitan sa mga itsura nila pero hindi parin umaalog ang kanilang utak kahit na nasabihan na silang "HINDI MO TALAGA SIYA KAHAWIG KAYA WAG MO NANG GAYAHIN"...

Naalala ko bigla yung isang babaeng feel na feel niya talagang magpose sa mabatong daanan... Ang laki ng labi niya, dahil doon eh codename BULBASAUR siya :D

TO BE CONTINUED~

Thursday, November 10, 2011

Ano nga bang mayroon kay Alodia Gosengfiao?


Ano nga naman bang meron sa kanya, we get the fact na ultimate cosplayer siya dito sa Pilipinas pero kailangan pa bang gawing Diyosa siya ng cosplay? well no, first of all habang pinagpapatuloy nyo ang pag hanga nyo sa kanya bilang isang cosplayer, hindi mo ba naiisip na parang naiingit ka lang at hindi mo kaya yung ginagawa niya? At specially pinapalaki nyo lang ang ulo niya.

Actually hindi mo naman talaga kailangang magpaka obsessed sa pag cocosplay para lang maging sikat kagaya niya, ginagawa mo lang tanga at isang hampas lupa ang sarili mo kung ni-LIKE mo pa ang page niya sa Facebook. 7 out of 10 men ang paniguradong nag LIKE nito dahil mga manyak ang mga lalaki dito sa Pinas. Sorry wag niyo akong isama sa sampu dahil hindi talaga eh, wala akong balak.

Bago kayo humanga sa kanya, isipin nyo, may nagawa ba siyang maganda sa Pinas? Wala diba... Nakatulong ba siya sa mga mahihirap? Hindi rin... Naging Artista naman siya sa dos pero bumagay ba siya sa roles niya? Hindi rin naman ah, napadpad na lang dapat siya sa syete ng bumagay ang kakornihan niya sa bawat shows na ilalabas siya. Boyfriend niya si Ren Cayetano na marami ng rinkles sa mukha, anong nangyari sa 7 out of 10 men? Nadisappoint lang diba? hahaha.


Ang kaya lang namang gawin niya eh mag cosplay, sa bawat oras at minutong ginugugol nyo sa paghahanap ng SCANDALICIOUS pictures niya eh inaaksaya nyo rin ang bawat minutong binubuhay nyo dito sa mundo kung hindi mo alam ang ginagawa mo at hindi ka pa nagigising sa katotohanan...


Kung ginamit niya sana ang pangalang Cayetano dahil boyfriend niya ang isa sa mga ito, nakatulong pa sana siya sa Pinas... walang maitutulong ang pagpapacute niya sa ANIMAX nakaka irita lang...

Iglot-in mo mukha mo!

Iglot ay isang teledrama na ginawa ng GMA, pinapalabas ito sa GMA Telebabad every night on weekdays.
Pinagbibidahan ito nina:

From left to right


Sa trailer nito sa commercial noon, ang mga Unggiko ay hindi ko mapaliwanag basta mga mukang retarded sila.
Ang aking pagkaalam lamang eh ang mga Unggiko ay mga alaga ng Mulawin noon (great way to tie to the story lol)  pero pinagpapaslang ang mga ito dahil sa hindi ko alam na dahilan.

Tungkol ito sa isang batang nawawala dahil sa pagsabog ng isang bulkan at blah blah blah you get the point na naampon siya ng isang masungit na matanda na si Lola Idang. Habang lumalalim na ang istorya nakita ni Luningning ang itlog at dahil bulol siya sa pagkakapronounce nito eh... Iglot na lamang ang kanyang pinangalan dito.

Si Iglot ay isang retarded at walang kasense sense panuorin na palabas dahil sa mga odd twist nito sa storya, malalaman mong isa siyang ibon sa Mulawin series pero ang katotohanan eh nirecycle lamang ng GMA ang mga props nila at etong basurang palabas nito ang kinalabasan...

Kabigla biglang nag she-shape shifting si Iglot na nagiging bola o kung ano ano mang katangahan na naisip ng producer nito. Na habang lumalayo na ang istorya ngayon na kasama na rin ang mga iba ibang krimen na hindi na dapat suitable sa paningin ng mga bata.

May lakas pa ngang gawin ng GMA na mataas ang ratings nito pero halatang pineke lamang. LOL

I guarantee this series are for retards who's wasting 1hour of their lives for watching this bullshit masterpiece.


Syempre bidang bida sa mga chikiting ang IGLOT DANCE na mukang tanga lamang. 
At tignan nyo yung actual pic... ayan si Iglot nung na hatch na pero... sa nakikita nyo ngayon, kapansin pansing napaka cheap ng mga material sa pagkakagawa ng teledramang ito.

Wednesday, November 9, 2011

Rant: Pokemon


Noong Grade 3 ako pinalabas sa GMA7(1999-2000) ang Pokemon(Pocket Monster sa jap), syempre since wala pa kaming cable eh mahilig akong manuod ng anime sa mga lokal channels, naalala ko ito tuwing Friday pagkatapos ng SAKSI mauuna ang Ghost Fighter(Yuyu Hakusho) sunod ang Dragon Ball Z kaoras nito ang Digimon sa ABS-CBN. Habang pinapanood ko ito, last year sa Cartoon Network 2010, narealize ko na lamang...

Na paulit ulit na lamang ang nangyayari? Well sisimulan ko na ang pagra-rant ko...
Hindi nyo ba alam na April 10 ang birthday ni Ash Ketchum(Satoshi)? Pero napanood o nalaman nyo bang nag birthday na si Ash sa buong series? Well of course not... hindi na na tumanda si Ash sa anime na ito. Napansin ko na ring bad influence ito sa mga tao specially sa mga kabataan, kung magbibigay ako nghalimbawa,              



Halimbawa: Kaaaway ng tatay mo ang isa sa inyong mga kapitbahay, pero bigla kang tatawagin papalabas sa bahay nyo at ikaw at ang anak ng kaaway ng tatay mo ang ipagsusuntukan nila...

Kung ihahalintulad lang ito sa pokemon, walang awang ipaglalaban ang mga ito na wala man lang silang muwang kung bakit sila maglalaban at bakit hindi na lang iyong dalawang tao ang magaway diba? Make sense...


Sa isang episode, paulit ulit na lamang ang nangyayari, magaadventure sila Ash at co. At susulpot ang Team Rocket dahil may gusto silang nakawin na bagong Pokemon/ o kaya naman eh si Pikachu...

Pero sa bandang huli matatalo ang mga ito at mag eepic fail naman ang pagtangkang nakawin ang pokemon. Biglang tatalsik sila at "Team Rocket Blasting Off Again!!" every episode nalang di nyo napansin no?




Habang in production parin ang GAMEFREAK sa paggawa ng mga panibagong Pokemon, ay hindi rin matatapos ang adventure ni Ash at Pikachu na matagal na niyang pinangarap na maging Pokemon Master, na ang akala natin eh naging Master na siya sa GOLD/SILVER/CRYSTAL (game) version...



Only time will tell kung bakit yung ibang pokemon ay puro imbento na lamang at wala ng pinagbasihang mga nilalang sa mundo.