Thursday, May 10, 2012

WHAT COSPLAYER FANS, FAGGOTS RANTING ABOUT

 

Alam nyo yung tungkol sa pinag kukumpara ng mga walang mga kaluluwang die hard fans nina
Alodia GosengjdhjdsFIAO at si Myrthle blah blah... about sinong mas magaling sa Cosplay
sa kanilang dalawa?

For myself, wala namang mas magaling... parehong may pandaraya nga kung ako tatanungin nyo.
Why? First of all dun muna tayo ke Alodia,



ALODIA FACTS:
1. Mayaman
2. Nag paretoke
3. and so on, alam nyo nya kung saan to manggagaling, alam nyo rin bakit siya gumanda


alam nyo na rin kung anong maaabot ng kanilang pera... Masasabi ko talagang
MONEY CAN BUY HAPPINESS :)) thumbs up for you












MYRTHLE FACTS:
1. Taga Ilonggo? ewan wala akong pakealam kung saan man siya nakatira
2. Mahirap, at me small bussiness daw siya. (wow ayan ang hard working gal)
3. hmmm di naman kagandahan...
4. Pero pag nakita mo na pag naka cosplay at napulbusan na ang kanyang pag mumukha
eh aakalain mong hindi siya yun...






HEPP!! 17 lang si Myrthle at kung ano ano ng kalandian ang nalalaman niya sa loob ng
BAHAY NI KUYA! Isa pa dito, inamin niyang kaya siya may "Small bussiness" ay para
matustusan ang hilig niya sa pag cocosplay...

And I was like, WHAT THE FCUK!!? unang una, namangha ako nung nalaman kong meron
siyang small business para may mapag gamitan ng pera, kung sa probinsiya man siya
lumaki eh wala parin akong pakialam sa kanya at ang kanyang matinding problema sa utak
gawa ng anime.

Biruin mo yun, nakapasok siya sa PBB TEEN ED, S4... pero hanggang dun ba naman eh
pinapamukha at ginagawa nyang tanga sarili niya dahil hanggang dun eh naka cosplay or
rather crosdress BASTA NAKA COSTUME ATTIRE siya.

Wala namang masama sa pag co-cosplay, gaya ng nabanggit ko sa previous POSTs ko,
pero kung makikita ka na ng madla sa telebisyon eh paniguraduhin mo namang PRESENTABLE
ka at hindi yung kung ano anong kalokohan ang inuuna mo.

Nga pala, nung nabigyan sila ng TASK ni "KUYA" na gumawa sila ng sariling product nila
at ibenta ito sa madla para mag ka weekly budget sila, subalit,

Naisipan nanaman "NIYA" kung anong gagawin, natural! Sumalubong agad sa utak niya ang
paraang COSPLAY...

Again, I was like, what the FUCK!! Hanggang weekly task nyo eh COSPLAY PARIN ANG HINAHANAP HANAP
MO AT AYAN ANG IBEBENTA MO SA MGA TAO!!??

> di ko napanuod yung time na naipag benta na nila yung mga product at ayoko ring malaman.

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=--

so balik na tayo sa ALITAN ng dalawang kampo.




ANONG KALOKOHAN YANG NASASAGAP KO SA MGA TAO!?

yang tungkol sa dalawa kung sinong mas magaling or what ever reasons you may have.
base sa aking mga nakita, eh wala... tinitignan lang nila kung sino ba talaga ang mas magaling
sa larangan ng pag co-cosplay. At yung nababasa kong GODDESS ng cosplay si Alodia?

BITCH PLEASE, nung nag bakasyon kami sa Singapore, maraming chix don na mas angat pa ke Alodia pero hindi sila mayaman at retokada, waring makikita mong nag bebenta lang
ng pabango sa loob ng MALL!

So please lang, mas gugustuhin ko pa ang taong hindi kagandahan (hindi maganda si Myrthle wag kayong maarte) kesa naman sa pumili ako sa dalawang me problema sa kanilang utak




Friday, February 3, 2012

Why I hate Anime? And why American Cartoons stands?


Maraming klasing anime/animation, merong tayong classic anime eh ayun yung Japanese anime na lagi nating tinatawag at... sa hindi nyo alam meron namang American anime, yung tipong mga Superman, Batman, X-men etc. Since noong bata ako astig na astig talaga ang anime, 

bumibili pa nga ako nung mga laruan na random basta makakita lang ng magandang anime na style eh paniguradong kikinang na at magkikislapan na ang aking mga mata, simula nung nag ka cable kami, probably grade 5 ako?



Lagi akong sa AXN nanonood ng anime, at nung High School naman nag ka meron na ng Animax channel, everyday at every minute sa Animax lang ako nanonood at hindi ako nabobored... Wala namang masama sa panonood ng Anime, at nung time na nagka chat box sa Animax nag ka meron ako ng mga Anime addicted friends. Syempre dahil adik nga ako sa Anime eh pinagaadd ko sila sa Friendster nung time na yun.


Badtrip pa, at puro mga lower years yung mga naging kaibigan ko at sobrang addicted talaga
sa Anime, yung tipong wala ng alam at puro bukang bibig ay Anime anime anime anime... say that 20x. Nakakaumay talaga yung ganoon usapan.

 

Nung 1st year college naman ako, umabot na ng 200+ ang dvd(s) ko ng Anime. Every time na walang klase bubuksan ko ang aking Laptop at may baong DVD ng anime at sabay ipe-play. Ayun astig madami namang nakikinood noon, then one time... na realize ko na parang paulit ulit na lang ang nangyayari...

1.) High school settings
2.) Big boobs girl(s)
3.) Magical Powers
4.) Every girl really loves the protagonist
5.) The story became really annoying at stupid
6.) LOTS OF BIG BOOBS
7.) Paulit ulit na nudity
8.) BIG BOOBS
9.) ROBOTS
10.) Trying hard comedy
11.) Nonsense story
12.) Girls with tight suits
13.) Girls with guns and sword
14.) Sporty anime with magical powers
15.) Teacher and student love affair
16.) Big B( ) ( )B$
17.) And so on.



Dine nauubos ang baon ko makaka 4 DVDs every Monday or Wednesday since 4 hours break ako, at suki na nga ako dun sa Los Banos ng talamak na nagbebenta ng Anime.

Habang tumatanda nayayamot na ako sa mga boses ng anime, alam mo yung masyadong matinis na boses ng babaeng character? Nakakairitang pakinggan at masyadong trying hard ang mga comedy nila... Alam kong fictional characters sila pero kailangan pa ba nilang i-exaggerated
yung mga katawan ng mga babae? 

Na sa sobrang laki na ng kanilang hinaharap eh kung ano ano ng kalokohan ang nangyayari. Isa pang problema ko sa anime specially anime girl characters, nakukuha nilang mag transform ng nakahubad at naka swim wear, pero hindi nyo ba pansin pag nililipad ang kanilang palda hindi pinapakita ang mga panty nila? Isa itong kalokohan... 

Alam kong maraming magagalit na anime  Fans sakin pero habang tumatanda talaga ang isang tao at marami ng pinagkakaabalahan maiisip mo rin na mukang tanga lang yang mga anime na yan, at paulit ulit na lang ito. Isa pang problema ko eh yung mga tao na sa sobrang gusto nila yung anime eh talagang gagayahin pa nila ito. At feeling naman nila  kamukha na nila or whatever.(see my previous post)


ANO NAMAN BA ANG AMERICAN CARTOONS?

Eto na ang aking pinagkakaabalahang panuorin, yung tipong napakarandom ng mangyayari at puro laugh trip talaga yung napakasimple lang ng pagkakadrawing pero mapapatawa ka. Hindi yung kailangan pa ng astig na drawing katulad ng Japanese animes na hindi naman kwela sa ating mga mata na paulit ulit na lamang.


Isa sa mga kinahihiligan ko eh yung mga palabas sa Cartoon Network, especially The Misadventures of Flap Jack, Adventure Time etc. yung hindi ka  mapapagod sa kakapanood ng episodes kahit na replay.

Wala namang masama sa panonood ng anime, pero gaya ng nabasa ko sa ibang mga blogs. Too much anime is bad.






Thursday, January 19, 2012

Unfair College School

THE LONG HAIR POLICY


First of all, inalis nyo yung long hair policy ng mga estudyante especially boys since alam nyo namang Malayan, STI, AMA lang ang mga schools na madali at pwedeng pasukan ng mga estudyante dito sa Calamba na gustong magpahaba ng buhok. Ni hindi nyo nga inaalam yung reasons nila kung bakit sila nag papahaba ng hair... wala kayong utang na loob.

Second, hindi nyo ba alam na wala ring sense yang policy na yan? Ano ba to? Maiba taya? Dahil sa ibang branch pwede long hair at sa Calamba naman hindi? Kill joy yata ang tawag sa inyo.

Third, akala ko ba kung mahaba ang buhok ng isang lalaki ang usapan eh itatali ang buhok na parang pony tail para makita ang mga mukha. Eh anong ginawa nyo? Iniba nyo ang usapan,
kayo na mismo ang nag iba.

Fourth, akala nyo ba dadami ang mga estudyante nyong mag eenroll next sem? Well of course not. Asa pa kayo, dahil ang STI Calamba lang naman ay ang tambakan ng mga Lyceum students, and ETC. Dahil may mga personal na rason sila para lumipat especially boys na gusto ngang magpahaba ng hair since iniba nyo nga ang rule, eh paniguradong magiiba rin ang isip nilang magenroll pa dito na pwede namang sa AMA at hindi sila ganoong ka KJ.

Fifth, astig din kayo no? Maiba taya ba talaga ang rules nyo? Mayroong mas mahahaba pa ang
mga buhok diyan sa school nyo na nakakapasok pa, ano to? Trip lang ba ang hanap nyo
at namimili lang kayo ng sisitahin? ASTIG TALAGA!! Two Thumbs Up para sa inyo.


PHYSICAL EDUCATION HELL

Kakaiba ang physical education nyo, ang sabi nyo, kaya kayo strict kasi kailangang maging physical active/fit ang mga katawan namin? For what? Everyday ba kaming mag p-PE? Na ginagawa nyo kaming parang alipin sa pagsasayaw? at sasabihan nyo pa kaming ibabagsak nyo kami pag hindi namin kaya gawin ang inyong mga pinapagawa? Astig lalo kayo dahil may mga ibang estudyanteng aburido narin dahil naninigaw raw ang ibang profs nyo.

Kung kayo kaya siguro ang mga nasa katayuan ng mga nagrereklamong estudyante dahil sa natatamo nilang panlalait o sermon sa mga empleyado nyo... Sana naman physical active din ang brains nyo para maka intindi ng mga hinaing ng mga estudyante hindi yung puro hire lang ng hire ng mga tao na hindi nyo pa naman lubos kakilala.


TO BE CONTINUED~

Saturday, November 19, 2011

Tagatawag ng pasahero...

Sa hirap ng buhay ngayon, madalas at madami sa ating mga Pinoy gumagawa ng pansari-sariling side lines para mayroon silang pangkain sa kanilang kumukulong tiyan at sa pangaraw araw na panga ngailangan, hindi lahat ng side lines ng Pinoy eh nakakatuwa na, subalit ito ay nakakainis na, halimbawa na lang ng ating mga panbansang "barker/dispatcher" ng jeep.

Sila yung mga taong magtatawag ng pasahero at tinutulungan nila yung jeepney driver sa kakaunting salaping kapalit.

Pero sa katotohanan lahat ng sasabihin ko ay pawang pang katotohanan lamang at base sa aking mga na experience, lahat ito ay nakita ko at gusto ko lamang mabasa niyo.

BAD EFFECTS NG PAGIGING BARKER/DISPATCHER/WHATEVERYOUCALLIT...

1.) Makulit ang mga ito, pipilitin kang sumakay sa jeep na kanilang tinira, sabay may lakas pa silang magalit pag hindi ka sumakay pag inaalok ka, kahit na alam mo sa sarili mong hindi iyon ang sasakyan mo.


2.) Reading-ready sila sa mga aksyon, pag hindi sila nabigyan ng barya handa silang manapak o manakit.


3.) Pati mga bata naeenganyo maging katulad ng mga ito.


4.) Makakapal ang mukha ng mga ito, pinipilit nila ang sarili nila sa jeepney driver kahit na hindi naman sila pinagtatawag.


5.) Mahilig sila sa motto na ganito "paalis na yan sakay na" (pero sa katotohanan hindi naman).


6.) Kinakaibigan nila ang traffic enforcers para hindi mahuli yung driver na nakakaperwisyo lang sila sa traffic kahit kailan dahilan sa pagtigil ng jeep magdamag.


Hindi lang naman ito lahat ng masasabi ko, pero sa katotohanan wala namang maidudulot na maganda itong barker, hindi nila natutulungang umusad ang daloy ng trapiko, kundi sila pa lalo ang gumugulo at sumisira.
Dapat talaga inaalis na sila sa mga hot spots na kanilang tinitirikan, katulad na lamang sa SM, kapal nilang maghintay ng pasahero doon kahit na nakalagay sa sign board na doon talaga ang sakayan ng mga pasahero pero ipagsisiksikan nila ang sarili nila para magkapera.





Feel na feel nilang ginagawa nila tayong sardinas sa isang jeep na hindi naman talaga dapat Sampuan ang bawat gilid ng sasakyan (depende na lamang sa laki nito). Sana hinuhuli na sila dahil walang magandang naidudulot ang mga ito sa bansa natin.

Wednesday, November 16, 2011

Character Invasion (2010- 2011) pt.1

Pag lumuluwas ka, o pumupunta sa palengke o kung saan saan ka man dalhin ng iyong paa...
May mga  pamilyar ka laging nakikita, sa kaliwa o sa kanan pare pareho lang nakakaumay at nakakainis na...
Lalong lalo na sa palengke... unang una mong makikita eh si Ben (Ben 10).


Last year, unang kumatok ang programang Ben 10 sa TV5, at simula noon lahat ng laruan eh puro BEN 10 na lamang sa palengke/malls, pero hindi dito nagtatapos lahat iyan... ilan sa mga laruan e puro nirecycle lang, katulad na lamang ng TRAIN TOY na nakita ko sa palengke noong christmas, well you guessed it right kinulayan ng kulay green yung train toy at nilagyan ng sandamukal na sticker ng BEN 10, na mabilis na magkakandarapa ang mga bata sa pagbili nito... nice thinking CHINA... always..

Hindi lang naman yung train toy eh, mga fake na Omnitricks, recycled toys na hindi nabenta at kung ano ano pa masabi lang na ang produkto nila eh BEN10...


Isa sa mga sikat na Japanese icon ay si Domo Kun, nag umpisa ito sa Comic Alley (dito sa PH) bilang isang bag, at later nag import na sila (galing divisoria sabay tata-takan ng comic alley trade mark tas ibebenta ng triple presyo) sa ibang bansa?

At kung ano ano ng available items na ang pinagbebenta sa loob ng isang Comic Alley branch. May wallet, ibat ibang uri ng bag, bonnet, pins, ID lace, atbp..


One day, nakabili ako sa Singapore ng ibang itsura ng Domo (23$) bag para naman maging unique ako sa mga taong aki'y nakakasalamuha sa daan, para naman hindi yung pare-parehong bag na nabibili lamang sa Comic Alley. Ngunit isang bagyo ang bumulaga sa mga mata ng mga tao at sa palengke nag ulanan ang ibat ibang uri ng domo bags/stuff toys. Na sa bawat lingon mo lamang sa panahong ito eh lahat na ng tao, mapa lalaki o babae, retarded man o hinde naka Domo bag o any kind of accessories. (KAKATURN OFF PROMISE!)


TO BE CONTINUED~

Tuesday, November 15, 2011

Usapang lalaki (mostly)

Para ito sa mga kaibigan kong lalaki at mga kaibigan nyo na mahilig at hindi mapigilang mag yosi at inuubos ang kanilang mga barya sa mga stick ng sigarilyo.

Hindi nyo ba alam na dapat bumibili na lang kayo ng isang kaha ng sigarilyo para naman makatipid kayo hindi yung tinitingi nyo yung mga tindero/tindera, at mas makakamura kayo kung gagawin nyo ang payo ko.

Well anyway... isa sa disadvantage ng paninigarilyo eh yung nakakabagal ng pag daloy ng dugo sa ating katawan, specially for men, kung gusto mong maging masigla si manoy at parating on the go, tigilan ang pag yoyosi dahil mahihirapan siyang mag say PRESENT! hahaha!



Tigilan na rin ang paninigarilyo dahil nakaka panot ito at kung ano ano pa ang mangyayari sa inyong katawan, syempre hindi kami sangayon dito (kaming mga 2nd hand smokers).


Hinding hindi kami makakapayag na manlalambot at makakalbo kami dahil sa mga katropa nating naninigarilyo... Sana naman konti respeto lamang. Kung huli ka na sa balita at panot ka na, wag nang magtaka at tigilan na ang iyong nakasanayan.

Gaya na lamang ng isa kong kakilala, ang hilig niyang mag paimpress sa mga chicks pag nakakasalubong o may isang pagsasalo salo, bunot ng yosi at mag dede-quatro pa sa upuan, sabay dakot ng PULUTAN...

pa Fan Sign po!!

Ano nga ba ang fansign,fansigns,signfans... what ever you call it. Dito sa Pinas, ang fansign ay sikat na sikat sa mga taong walang magawa sa buhay, yung tipong nag fi-feeling lang na sikat sila... Yung tipong akala naman nila eh astig na sila sa pag gawa ng mga kalokohang ito. 
So ano nga naman ba ito? Simple lang, wala... pinapalaki nyo lang ulo ng tao, at mukhang jejemon pa kayo... Katulad na lang ng example ko dito... sa tingin nyo ba astig na siya sa lagay na iyan? Makakatulong ba yan sa Pinas? o magmumuka lang talaga siyang isang miyembro ng samahang jejemon?

Sa panahon ngayon, ang fansign dine sa pinas eh mga abnormal lang ang gumagawa, yung alam mo nang di naman siya sikat pero naka lagay sa status niya na "I'M OPEN FOR FANSIGN" / "IM FREE TO FANSIGN"  bleh. Sana makaltukan sila at maunawaan nilang nagmumukha lang silang tanga dito.

Kung sikat sana sila eh naging masaya na tayo dahil napaka generous nilang mag bigay ng fansign sa mga di kilalang tao, lalo na ang mga friends sa Facebook na hindi mo naman talaga lahat kakilala... At may lakas pa silang magrequest ng fansign... for what?

NOTHING.....!!